ALS TEST RESULTS FOR NOV. 2017

TOPICS

ALS COED LAUNCHED: "REVIEW PA MORE KAPAG MAY TIME!"

Welcome to the ALS-COED website! Ang ALS-COED ay isang accronym na nangangahulugang Alternative Learning System Cooperation for Education. Ito ay inilaan para sa mga Filipinong masipag mag-aaral lalo na ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System o ALS, bata man, kabataan, o mga adulto at matatanda, kasama na rin ang mga mag-aaral sa pormal na sistema o yung mga pumapasok sa paaralan. Ito ay isang INDEPENDENT Project na hindi konektado sa ano mang sangay ng gobyerno. Ito ay isang komunidad ng mga mag-aaral, ALS learners, learning facilitators, teachers at lahat na gustong makibahagi. Bastat interesadong matuto, puwedeng mag-register bilang learner at kung may kakayahang magturo, puwedeng magrehistro bilang learning facilitator o teacher.

Ang aming slogan ay "Review pa more kapag may time!" Sa pamamagitan nito, layunin naming himukin ang mga mag-aaral na gamitin nang kapaki-pakinabang ang kanilang oras, lalo na sa pag-aaral ng mga kaalaman at kasanayang kinakailangan para masagutan ng tama ang mga kasanayan sa ALS A&E test o kaya naman sa loob ng silid-aralan. Kapag nasanay nang husto ang mga mag-aaral masisigurong hindi sila mahihirapang ipasa ang pagsusulit sa loob at labas ng paaralan. Ito ay INDEPENDENT na programang pantulong sa mga mag-aaral lalo na sa mga ALS learners.

KOOPERASYON ang aming core value. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pag-share ng mga natutunan ng mga mag-aaral sa kanilang learning centers, sa silid-aralan o sariling sikap na pag-aaral, matutulungan ang iba na matutunan din ang mga ito upang mas tataas pa ang tsansang makapasa sa pagsusulit ng A&E.

Review pa more kapag may time! Habang kayo ay natututo, bawat resulta ng inyong mga masagutang Practice Tests ay irerecord natin. Kapag naabot ninyo ang kaukulang puntos kayo ay makakatanggap ng mga surprise gifts mula sa ALS-COED.

Kaya kung ALS Learner ka o estudyante man, bata o matanda, halina at mag-aral kasama namin dito sa ALS-COED! At para makasama sa aming mga pakulo, magregister dito.

ALS COED

You should register first to login.
Register Login

LATEST